3 nanloob sa pawnshop, tiklo
CAVITE, Philippines – Tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus sa panloloob sa ilang pawnshop ang nasakote ng pulisya sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Bayang Luma 2 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Miller Silag, 28, ng San Vicente; Dave Tiwan, 29, ng Upper Quezon Hill, Baguio City; at si Jake Tipo, 21, ng Km. 3 La Trinidad, Benguet. Ayon kay P/Chief Insp. Jowel Saliba, ang tatlo ay naaresto matapos matunton ang hinukay na tunnel na may 10 metro mula sa pawnshop na kanilang pinasok. Narekober mula sa mga ito ang ginamit na jack, acetylene tank at iba’t ibang uri ng panghukay. Napag-alamang ang mga suspek ay bihasang minero sa Banguet.
- Latest
- Trending