^

Probinsiya

Motorsiklo vs tricycle: 3 patay

- Ni Jonie Capalaran -

SAMAL, Bataan  ,Philippines – Tatlo ang nasawi, samantalang tatlo pa ang malubhang na­sugatan matapos na mag­salpukan ang isang motor­siklo at tricycle sa kahabaan ng Mac Arthur Highway Brgy. Ta­bing Ilog, Samal, Bataan kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni Sr. Inspector Jansky Andrew Jaafar, hepe ng Samal Police Station ang mga biktima na sina Michael Villadolid, Federico Altechie, kapwa nakatira sa Brgy. Cala­guiman at Roel Rubiano, 17-anyos, ng Barangay Mabatang.

Samantalang sugatan naman sina Esperanza Estrella, 51; Maria Austria, 64 at Leonida Rubiano, pawang residente sa Brgy. Mabatang Abucay.

Ayon sa ulat, dakong alas- 2:25 ng madaling-araw mabilis na tinatahak ni Roel kasama sina Esperanza, Maria at Leonida sakay ng isang tricycle (RZ-2998) at patungo sa direksyon ng Orani galing Mabatang at pagsapit sa kurbadang daan sa Brgy. Tabing Ilog, Samal sinakop ng motorsiklong ROSI na walang plaka na minamaneho ni Michael angkas si Federico ang daraanan ng tricycle dahilan para magka­salpukan ang mga ito. 

Kapwa wasak ang da­lawang sasakyan habang galos at bugbog sa iba’t ibang parte ng katawan ang tinamo ng tatlong babae.

vuukle comment

BARANGAY MABATANG

BRGY

ESPERANZA ESTRELLA

FEDERICO ALTECHIE

LEONIDA RUBIANO

MABATANG ABUCAY

MAC ARTHUR HIGHWAY BRGY

MARIA AUSTRIA

MICHAEL VILLADOLID

ROEL RUBIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with