Planta ni Sen. Enrile ni-raid ng NPA
MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army ang wood processing firm ng JAKA Group ni Senate President Juan Ponce Enrile at sinunog ang mga heavy equipment sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Norte, ayon sa ulat kahapon. Sa naantalang ulat ng Caraga PNP, bandang alas-12 ng tanghali noong Martes nang sumalakay ang mga rebelde sa Casilayan Softwood Development Corp. sa Purok 1, San Salvador. Winasak ng grupo ni Ka Eman ang isang grader, backhoe at 10-wheeler logging truck. Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo ng panununog.
- Latest
- Trending