^

Probinsiya

4 inararo ng sasakyan ng pulis, dedo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang sasakyan sa highway ng Barangay Unidos sa bayan ng Tago, Surigao del Sur noong Biyernes ng hapon.

Kabilang sa mga biktima na idineklarang patay sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City ay sina  Lemar de Rosas, 34, driver ng multicab; James Montero, Gleenah Corvera na pawang mga pasahero ni Rosas at mga residente ng Cagwait, Surigao del Sur.

Namatay din habang ginagamot ang ikaapat na biktimang si Maria Montero habang malubha naman ang anak nitong si Jamie Montero,13.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nag-overtake ang pulang Mitsubishi Strada (LMP898) ni P/Senior Insp. Darwin Yu sa humahagibis na sasakyan kung saan bumulaga sa harapan nito ang kasalubong na puting multicab (YDZ 366) ng mga biktima.

Boluntaryo namang sumuko si P/Senior Inspector Yu upang panagutan ang kaso.

vuukle comment

ADELA SERRA TY MEMORIAL MEDICAL CENTER

BARANGAY UNIDOS

DARWIN YU

GLEENAH CORVERA

JAMES MONTERO

JAMIE MONTERO

MARIA MONTERO

MITSUBISHI STRADA

SENIOR INSP

SENIOR INSPECTOR YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with