^

Probinsiya

Pulis-holdaper, 2 pa bulagta sa shootout

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao na pinaniniwalaang notoryus na holdaper kabilang na ang isang tiwaling pulis ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan noong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Chief Insp. Satur Ediong, hepe ng Pozorrubio PNP, ang napatay na pulis na si PO1 Monit Galimbang, nakatalaga sa Malasigui PNP, nakatira sa Barangay Abunagan at off-duty ng mangyari ang shootout.

Bukod kay Galimbang, kinilala rin ang dalawa pang napatay na holdaper na sina Junaid Pangkalan at  George Villamayor.

Ayon sa record ng Provincial Police Office ng Pangasinan, kumpirmadong miyembro ng Malasiqui PNP station si Galimbang at wala itong rekord na kriminal kaya nasorpresa ang pamunuan ng Pangasinan PPO kung paanong nakasama ito ng mga suspek sa holdapan.

Sa ulat ng pulisya, noong Martes ng mada­ling-araw ay hinoldap ng mga suspek ang tricycle driver kung saan kaagad na tumakas subalit hinabol at nakorner ng mga nagpapatrulyang pulis na nauwi sa shootout.

Narekober mula sa mga napatay na holdaper ang isang cal. 45 pistola, caliber 38 revolver at granada kung saan bineberika kung ang isa sa mga narekober na baril ay nakaisyu sa na­patay na tiwaling pulis.

vuukle comment

BARANGAY ABUNAGAN

BARANGAY POBLACION

CHIEF INSP

GALIMBANG

GEORGE VILLAMAYOR

JUNAID PANGKALAN

MONIT GALIMBANG

PANGASINAN

POZORRUBIO

PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with