^

Probinsiya

Ampatuan nasa likod ng convoy bombing?

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ako ang target!

Ito ang tinuran kahapon ni Maguindanao Governor Esmael “ Toto “ Mangudadatu kaugnay ng pambobomba sa kaniyang convoy sa Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa na kumitil ng buhay ng 2-katao habang anim pa ang sugatan.

Sinabi ni Mangudadatu na determinado ang kaniyang mga kalaban sa pulitika na itumba siya matapos  ang patuloy na pagbabanta na kaniya.

Hindi man direktang ti­nu­ran ng gobernador ay nagpatutsada ito na naghihinala siyang ang angkan ng mga Ampatuan ang nasa likod ng madugong car bombing.

 “I don’t think there was any other target but me, alam n’yo hindi naman hihinto ‘yung aking mga kalaban sa pulitika eh, “anang gobernador sa phone interview sa PNP Press Corps.

“ Five to 7 seconds lang after dumaan sa area ‘yung vehicle ko, saka sumabog ang bomba,” ayon pa sa gobernador na ikinalungkot ang insidente matapos na bawian na rin ng buhay kahapon ng madaling-araw si Maguindanao Board member Datu Russman Sinsuat Sr.

Bandang alas-3 ng hapon noong Lunes habang bumabagtas ang convoy ni Mangudadatu sa Alunan Avenue sa Tacurong – Marbel Highway ay sumabog ang bomba na itinanim sa nakaparadang puting KIA Pride  (MDJ-274) na sumapul sa ikatlong behikulo na sinasakyan nina Sinsuat.

Kaagad na nasawi ang trike driver na si Raffy Parenas habang sugatan  naman sina Bebot Barabarang, ang  anak nitong si Datu Rusman Sinsuat Jr., naputulan ng kanang paa; Noble Abdullah, Mabang Antonio Algaba, Richard Sonza, Robert Formacion at si Bokal Datu Sinsuat Sr. na malubhang nasuga­tan at namatay habang ginagamot.

Ayon kay P/Chief Supt. Benjardi Mantele, may tinututukan na silang lead sa kaso pero tumanggi munang idetalye at bumuo na rin ng Special Investigating Task Group (SITG) upang mapabilis ang imbestigasyon.

vuukle comment

ALUNAN AVENUE

BEBOT BARABARANG

BENJARDI MANTELE

BOKAL DATU SINSUAT SR.

CHIEF SUPT

DATU RUSMAN SINSUAT JR.

DATU RUSSMAN SINSUAT SR.

MABANG ANTONIO ALGABA

MANGUDADATU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with