5 suspek sa krimen tiklo
BULACAN, Philippines – Lima-katao na isinasangkot sa iba’t ibang kasong kriminal ang nasakote ng pulisya sa inilatag na serye ng operasyon sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang mga suspek na sina Johann Louise Ramos ng Brgy. Nagbalon, Marilao; Lily Bagay ng Brgy. Malipampang, San Ildeponso; Ernie Arriola ng Area F, Brgy. San Pedro, San Jose Del Monte City; Teresita Tolentino ng Brgy. Canalate, Malolos City; at si Josephine Sayo ng Brgy.Tabang, Plaridel.
Ang mga suspek ay inisyuhan ng warrant of arrest nina Judge Evelyn Corpuz-Chan ng Quezon City RTC Branch 98; Judge Veronica Vicente-De Guzman ng Malolos City RTC Branch 70; Judge Olivia Escubio-Samar ng Malolos City RTC Branch 79; Judge Jose Vallo ng Camiling RTC Branch 68; at ni Judge Shiela Marie Geronimo-Orquillas ng Plaridel Municipal Trial.
- Latest
- Trending