^

Probinsiya

Alitan sa trapiko: 2 patay, 4 pa sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan lamang sa ma­tagal ng alitan sa trapiko, isang acting supervisor ng isang kumpanya ang nasawi habang apat pa ang nasugatan matapos na pagbabarilin nang rumesbak ang nakaalitan nito na napatay naman sa shootout sa nangyaring insidente sa Crossing Putok, Brgy. Digal, Buluan, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Zukarno Podin, Acting Supervisor ng La Frutera Inc, agad na binawian ng buhay matapos na masapul ng tama ng bala sa katawan.

Isinugod naman sa Ta­mondong Hospital sa Tacurong City ang mga su­gatang sina Zabido Bagalan, isang alyas Zabide Tomao at Abdulkadir Papua; pawang mga empleyado ng nasabing kumpanya at ang sibilyang tinamaan ng ligaw na bala na si Marco Katog.

Napatay rin ng mga nag­respondeng elemento ng CAFGU at mga guwardiya ng La Frutera ang suspek na si Polis Mulid matapos na sa halip na sumuko ay namaril pa ito na nauwi sa shootout.

Batay sa ulat ng Central Mindanao Police, naganap ang pamamaril ng suspek sa mga biktima sa bisinidad ng nasabing lugar dakong alas-8 ng umaga.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon ng mga awtoridad  na nag-ugat ang pagresbak ni Mulid laban kay Podin matapos ang mga itong magkaroon ng alitan sa trapiko noong Mayo ng taong ito.

Narekober naman ng mga awtoridad sa crime scene ang apat na basyo ng cal .45 pistol, 16 bala ng M 16 rifle at 132 pang bala ng M60.

vuukle comment

ABDULKADIR PAPUA

ACTING SUPERVISOR

CENTRAL MINDANAO POLICE

CROSSING PUTOK

LA FRUTERA

LA FRUTERA INC

MARCO KATOG

POLIS MULID

TACURONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with