^

Probinsiya

2 gunrunner timbog

- Ni Boy Cruz -

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City ,Philippines  — Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na gunrunners sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito kahapon. Kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Soriano 40 ng Itok-itok St., Brgy. Abangan Norte sa bayan ng Marilao at Edzel Napa 38 ng Brgy.Turo sa bayan ng Bocaue. Base sa ulat unang naaresto ng mga tauhan ni P/CInsp.Marlon Santos ng CIDG-Bulacan si Soriano matapos na ibenta ang isang .357 magnum na baril at mga bala nito sa isang poseur buyer na pulis sa Brgy.Abangan Norte at ng kapkapan ay nasamsaman pa ng shabu sa kaniyang bulsa. Sumunod namang nasakote ng mga elemento ng Provincial Intelligence Branch si Napa sa isang lugar sa Brgy.Longos sa bayan ng Balagtas na nasamsaman ng isang .45 mark IV na baril na may magazine at mga bala na inaalam na kung may kinalaman ang suspek sa serye ng robbery-holdup sa iba’t ibang bayan. Ang mga suspek ay nakaditine na sa detention cell ng pulisya sa Malolos City.

vuukle comment

ABANGAN NORTE

BALAGTAS

BOCAUE

BRGY

EDUARDO SORIANO

EDZEL NAPA

MALOLOS CITY

MARLON SANTOS

PROVINCIAL INTELLIGENCE BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with