Wanted sa kasong murder tiklo
BULACAN, Philippines – Isa sa tatlong suspek sa pagpatay sa isang magsasaka may dalawang taon na ang nakalipas ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahagi ng Barangay Pulong Gubat sa bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Marlon Santos ang suspek na si Leonel Malagiño, 27, ng Northville 6, Brgy. Santol. Si Malagiño ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Olivia Escubio-Samar ng Malolos City Regional Trial Court Branch 79 dahil sa pagpatay kay Roderick Reyes, 33, ng Northville 6, Brgy.Santol noong Abril 24, 2009.
- Latest
- Trending