^

Probinsiya

Misis ni-rape slay, inilibing sa palayan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit ng isang ginang matapos itong halayin ay paslangin pa saka ilibing ang bangkay sa isang mababaw na hukay sa isang palayan sa Cadiz City, Negros Occidental ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Margarita de la Costa, 37- anyos na hubo’t hubad na nahukay ang bangkay sa isang palayan, isang araw matapos na maulat itong nawawala simula noong Miyerkules.

Sa report ni Cadiz City Acting Police Director, Supt. Santiago Rapiz, sa inisyal na imbestigasyon ay nadiskubreng sekswal na minolestiya, pinatay sa sakal saka hubo’t hubad na inilibing  ang ginang.

Natagpuan ang bangkay ng biktima kamakalawa bandang alas-9 ng umaga ng asawa nitong si Rolando de la Costa sa pinaglibi­ngan rito sa isang palayan sa Sitio Alimatok, Brgy. Ce­lestino Villacin, Cadiz City.

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na si Omar Catalan na itinuro ng testigo na nahaharap ngayon sa kasong homicide at rape.

Ang nasabing suspek ay nakulong na ng limang taon dahilan sa pangmo-molestiya sa dalawang menor-de-edad sa Sagay City na nakalaya matapos na hindi magreklamo ang pamilya ng mga biktima.

Samantalang nahukay naman ang damit ng biktima na inilibing ilang metro lamang ang layo kung saan ibinaon ng suspek ang bangkay nito.

vuukle comment

BRGY

CADIZ CITY

CADIZ CITY ACTING POLICE DIRECTOR

ISANG

MASAKLAP

NEGROS OCCIDENTAL

OMAR CATALAN

SAGAY CITY

SANTIAGO RAPIZ

SITIO ALIMATOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with