^

Probinsiya

Driver, pahinante dedo sa holdap

- Ni Jonie Capalaran -

BATAAN, Philippines – Napaslang ang drayber at pahinante ng delivery van habang malubha naman ang isa pa matapos ratratin ng mga armadong lalaki sa naganap na holdap sa bahagi ng Sitio Tuliran, Barangay Mabatang sa bayan ng Abucay, Bataan kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Pepe Humiwat Alindayo Jr., hepe ng Abucay PNP ang mga napatay na sina Joel Castillo, 30, driver, ng Barangay Bagong Silang; at Virgilio Bayani, 49, pahinante,  ng Barangay Ibayo.

Samantala, malubha naman at ginagamot sa James Gordon Hospital, si Rolly Avocado, 22, ng Sto. Monica Subd. sa Barangay Tenejero at pawang mga kawani ng Bliss Merchandizing Balanga Magnolia Chicken.

Lumilitaw na lulan ng delivery van ang mga biktima patungong mga bayan ng Dinalupihan, Orani at Samal para magdeliber ng manok nang harangin at holdapin ng mga armadong lalaki.

Dito na isinagawa ang pamamaslang saka tina­ngay ang mga pitaka at P150,000 cash na kolek­syon ng tatlo.

vuukle comment

ABUCAY

BARANGAY BAGONG SILANG

BARANGAY IBAYO

BARANGAY MABATANG

BARANGAY TENEJERO

BLISS MERCHANDIZING BALANGA MAGNOLIA CHICKEN

JAMES GORDON HOSPITAL

JOEL CASTILLO

MONICA SUBD

PEPE HUMIWAT ALINDAYO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with