^

Probinsiya

Mag-asawa, 2 anak kinatay

- Ni Mer Layson -

RIZAL ,Philippines  — Dinilig ng dugo ang selebrasyon ng Valentine’s Day makaraang pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang mag-asawa at dalawa nitong anak na menor-de-edad sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay San Andres sa bayan ng Cainta, Rizal kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga tini­gok ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan ay ang mag-asawang Amado Azibar Sr., 42, at Elizabeth Azibar, 46; habang dalawa nitong anak na sina Amado Jr.,12 at Prichie,10, ay hindi rin pinalagpas ni kamatayan.

Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Fortunato “Jun-Jun” Azibar, 24, pamangkin ni Amado at tubong Samar.

Ayon kay P/Senior Supt Emmanuel Bautista, hepe ng Cainta PNP, ganap na alas-5:30 ng umaga nang makarating sa himpilan ng pulisya ang impormasyon kaugnay sa naganap na Valentine’s Day massacre sa loob ng tahanan ng pamilyang Azibar sa West Manggahan Floodway, Alley 88, Lakas Tao Street sa nabanggit na barangay.

Bago maganap ang brutal na krimen, lumilitaw na nagkainuman pa ang magtiyuhing Azibar kung saan nang malango sa alak ay nauwi sa mainitang pagtatalo matapos makarinig ang suspek ng maanghang na salita.

Bandang alas-11 hanggang alas-12 ng hatinggabi nang marinig ng ilang kapitbahay ang kaguluhan sa ba­hay ng pamilya Azibar.

Isa sa mga umalingaw­ngaw na palahaw ay ang mitining na boses ng batang si Prichie na nagmamakaawa sa suspek kung saan nakabaon pa ang patalim sa leeg ng bata nang madiskubre ang krimen.

Kinabukasan na natuklasan ang malagim na sinapit ng pamilya Azibar na duguang magkakatabi.

Kasunod nito, nag-offer ng pabuyang P.1 milyon si Cainta Mayor Mon Ilagan sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek.

vuukle comment

AMADO AZIBAR SR.

AMADO JR.

AZIBAR

BARANGAY SAN ANDRES

CAINTA

CAINTA MAYOR MON ILAGAN

ELIZABETH AZIBAR

LAKAS TAO STREET

PRICHIE

SENIOR SUPT EMMANUEL BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with