^

Probinsiya

SK chairman nagtapon ng upos, dinedo

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Maagang nagtapos ang panunungkulan ng bagong halal na Sangguniang Kabataan (SK) chairman makaraang mapatay sa saksak ng kanyang kabarangay sa bayan ng Bauan, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Chief Inspector Luisito Sanchez, hepe ng Bauan PNP ang napaslang na si SK Chairman Richard Magboo, 17, ng Barangay Gulibay.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na si Magboo nang makasagupaan nito ang suspek na si Michael Angelo Sideco, 20.

Nabatid na aksidenteng natapunan ng upos ng sigarilyo ni Magboo si Sideco na natutulog sa loob ng nakaparadang jeep bandang alas-2 ng madaling-araw.

Dito na nagising ang suspek na nauwi sa pagtatalo hanggang sa magkasuntukan ang dalawa.

Kasunod nito ay inundayan ng saksak ng patalim ni Sideco ang nakasuntukang si Magboo na unti-unting bumulagta.

Naisugod naman sa ospital si Magboo pero ideneklarang patay habang, mabilis na nakatakas si Sideco na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

vuukle comment

BARANGAY GULIBAY

BATANGAS

BAUAN

CHAIRMAN RICHARD MAGBOO

CHIEF INSPECTOR LUISITO SANCHEZ

DITO

MAGBOO

MICHAEL ANGELO SIDECO

SANGGUNIANG KABATAAN

SIDECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with