^

Probinsiya

Senglot todas sa sunog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Dahilan sa sobrang kalasingan, nasawi ang isang mister matapos itong matusta nang makulong ng apoy mula sa nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Tominjao, Daanbantayan, Cebu kamakalawa ng gabi. Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang kinilalang si Gerrardo Tahanlangit na natusta sa insidente. Batay sa ulat ng  Police Regional Office (PRO) 7, bandang alas-8 ng gabi ng umalis ang misis ng biktima na kinilalang si Annabelle at bumalik lamang ito dakong alas-5 ng umaga kinabukasan. Laking gulat ng ginang ng makitang naabo na ang kanilang tahanan  kasama ang kaniyang asawa. Nabatid na ang ginang ay umalis sa kanilang bahay matapos silang mag-away na mag-asawa dahilan sa sobrang kalasingan ng kaniyang mister na sa tuwing makakainom ng alak ay sinasaktan ang ginang. Sa salaysay ng ginang napilitan siyang makitulog sa kaniyang mga biyenan kasama ang kaniyang dalawang anak upang makaiwas sa pananakit ng umbagerong mister. Pinaniniwalaan namang nasipa ng mister ang gasera na pinagmulan ng sunog na dahilan sa sobrang kalasingan ay nabigong makalabas kaya nasawi sa insidente.

vuukle comment

ANNABELLE

BATAY

BRGY

CEBU

DAANBANTAYAN

DAHILAN

GERRARDO TAHANLANGIT

NABATID

PINANINIWALAAN

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with