^

Probinsiya

Nagbigti dahil sa pagkakautang

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Matinding problema sa pana­nalapi ang isa sa motibo kaya nag-suicide ang isang ka­sambahay sa tahanan ng kanyang amo sa Brgy. Onica sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga. Natagpuan ang nakabiting katawan ni Femily Galvez, 40, sa servants’ quarter ng bahay ng pamilya Ma­laluan sa Perez Street. Napag-alamang isinugod ang biktima sa Dr. Luis P Malaluan Hospital na pag-aari ng pamilya Malaluan. Ayon sa ulat, huling na­mataang buhay ang biktima nang dalawin siya ng kanyang mister. Matinding depresyon ang nagtulak kay Galvez para tapusin ang kanyang buhay, ayon kay SPO1 Moises Abril. ‘Di-inakala ng mister na magpa­patiwakal ang kanyang misis kung saan noong dalawin niya ito kahapon, ay nangako siyang maghahanap ng pera para makabayad sa pagkakautang nila sa ospital na aabot sa P17,000.

vuukle comment

AYON

BRGY

DR. LUIS P MALALUAN HOSPITAL

FEMILY GALVEZ

GALVEZ

KIDAPAWAN CITY

MATINDING

MOISES ABRIL

NORTH COTABATO

PEREZ STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with