^

Probinsiya

Ginahasa muna saka binasag ang ulo

- Ni Fran­cis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines — Apat na araw nang nadis­kubre kamakalawa ng hapon ang naaagnas na bangkay ng isang dating Japayuki na nadiskubre ng mga batang na­mumulot ng basura sa abandonadong gusali sa Vinzons Avenue sa Barangay Lag-on sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Kinilala ng pulisya ang na­paslang na si Regina He­rico, tubong Brgy Ba­gong Si­lang sa bayan ng Labo, Ca­marines Norte.

Sa panayam kay Jason Zaldua, kawani ng PBN dz­MD, napag-alaman na ang bik­­tima ay 10-taong na­nini­rahan sa aban­do­nadong gu­sali malapit la­mang sa ka­nilang him­pilan ng radio. 

Sinasabing nasiraan ng bait ang biktima matapos na ito ay pumuntang Japan kung saan napabayaan na ng kan­yang pamilya hang­gang sa ito ay maging pa­laboy na la­mang.

Dahil sa may angking kagandahan ang biktima, ayon sa source, nabun­tisan at naanakan ng tat­long beses at hindi ma­laman ang kinaro­roonan ng mga bata. 

Bago naganap ang kri­men, isa sa mga anggulo na ti­ni­tingnan ng pulisya ay ang biglaang pagkawala ng mag-asawa na naninirahan din sa katabing abando­nadong gu­sali matapos mabalitaan ang krimen.

Natagpuan ang naa­agnas na bangkay ni He­rico na walang suot na underwear at basag ang bungo. Patuloy ang imbes­tigasyon ng mga tauhan ni P/Supt. Domingo Men­daza, para matukoy ang kriminal.

vuukle comment

APAT

BARANGAY LAG

BRGY BA

CAMARINES NORTE

DAET

DOMINGO MEN

JASON ZALDUA

REGINA HE

SHY

VINZONS AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with