^

Probinsiya

Pamangkin ng mayoral bet inutas

-

BATANGAS, Philippines – Maagang sina­lubong ni kamatayan ang isang 19-anyos na pamangkin ng mayoralty candidate maka­raang ratratin ng mga ’di-pa kilalang lalaki ang bahay ng kanyang tiyahin sa Sitio Ba­ gong Pook, Barangay Quiling sa bayan ng Talisay, Batangas noong Lunes ng madaling-araw.

Nagtamo ng tama ng ligaw na bala sa beywang at tuma­gos sa dibdib ni Leonardo Dahil kung saan idineklarang patay sa Saint Andrew Hospital.

Ang 3rd year high school na pamangkin ni mayoralty candidate Dr. Zenaida Men­doza ng Liberal Party ay natutulog sa beranda nang pagbaba­barilin ang bahay ng kanyang tiyahin.

Ayon sa abogado ni Men­doza na nasa kainitan ang bilangan ng boto sa katatapos na eleksyon nang tangkain ng kalabang mayoralty candidate Luis Malabanan na ipatigil ang canvassing noong Lunes ng gabi dahil sa mga irregula­ridad.

Nang mabigo ito sa pag­papatigil, nasundan na ito ng pamamaril sa bahay ni Dr. Mendoza.

Sinikap namang kunan ng pahayag si Malabanan pero tumanggi itong mainterview ng mga mamahayag.

vuukle comment

AYON

BARANGAY QUILING

DR. MENDOZA

DR. ZENAIDA MEN

LEONARDO DAHIL

LIBERAL PARTY

LUIS MALABANAN

SAINT ANDREW HOSPITAL

SHY

SITIO BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with