^

Probinsiya

Sunog: Bata natusta; ina napaanak

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 2-anyos na batang lalaki mata­pos makulong sa nasusunog nilang tahanan habang napaanak naman bunga ng matinding ten­s­yon ang buntis nitong ina sa Baguio City kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang natustang bata na si Wen­ceslao del Mundo Jr. na na­iwan sa pagmamadali nang humahangos nitong buntis na ina na si Jenny del Mundo na namilipit sa sakit ng tiyan hanggang sa isugod sa Pines City Doctors Hospital.

Napaanak si Jenny bu­nga ng insidente at nasa ligtas ng kalagayan gayun­din ang sanggol nito.

Bandang alas-5:20 ng hapon nang maganap ang sunog sa Purok Makati, Brgy. Sto. Niño Slaughter Com­pound sa 2-storey bank house na gawa sa kahoy at pag-aari ng local na pama­halaan ng Baguio kung saan nadamay ang mga katabi nitong kaba­hayan mula #14, 15 at 16.

Nabatid na ang house #16 ay tirahan ng bun­tis na ginang at matin­ding pag­ka­bigla ay nata­ranta at na­pa­takbo kung saan naiwan ang natutulog sa kabilang kuwarto na si Wenceslao.

Naapula naman ang apoy bandang alas-5:55 ng hapon at narekober ang nag­­mistulang uling na bang­kay ng bata.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BANDANG

BRGY

KINILALA

MUNDO

MUNDO JR.

PINES CITY DOCTORS HOSPITAL

PUROK MAKATI

SHY

SLAUGHTER COM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with