^

Probinsiya

Hapones nakuryente sa beach resort

-

PANGASINAN, PhilippinesNapaaga ang salubong ni kama­tayan laban sa isang 26-anyos na Hapones makaraang makuryente habang nagsa-shower sa beach resort sa Barangay Ilog-Malino sa bayan ng Bolinao, Pangasinan noong Martes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na naliligo si Kentaro Yoshida, 26, sa banyo sa inu­pahang kuwarto sa Garden Paradise Resort nang mag­sisigaw ito at humingi ng tulong.

Agad na narinig ni Rodolfo Concepcion, biyenan ng biktima, ang kanyang manugang kung kaya’t agad itong sumaklolo.

Sinikap ni Concepcion na iligtas ang kanyang ma­nugang subalit pati ito ay na-ground kayat tumawag ito ng ilang staff sa resort upang patayin ang main switch ng kuryente. Isinugod si Yoshida sa Rillera Family Clinic subalit hindi na ito umabot ng buhay. Cesar Ramirez

vuukle comment

BARANGAY ILOG-MALINO

BOLINAO

CESAR RAMIREZ

CONCEPCION

GARDEN PARADISE RESORT

HAPONES

ISINUGOD

KENTARO YOSHIDA

NAPAAGA

RILLERA FAMILY CLINIC

RODOLFO CONCEPCION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with