^

Probinsiya

Mag-ina ng 'jueteng lord' kinidnap

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines – Naglunsad ng malawa­kang dragnet operation ang pu­lisya laban sa mga ’di-pa ki­la­lang kalalakihan na sina­sabing responsable sa pag­dukot sa mag-ina na nagpi­ piknik sa bisinidad ng Ba­gas­bas Beach Resort sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga-inang dinukot na sina Michelle Umali, 23; at anak na si Chacha Umali, 3, kapwa re­­sidente ng Barangay Ma­lasigui sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, lumilitaw na mag­ka­ka­samang nagpiknik ang mag-ina at ang mister nitong si Renato “Ato” Umali, 39, sa naturang beach resort nang lapitan at pagbabarilin ni Dego Saad si Renato.

Gayon pa man, ’di-tina­maan si Renato kaya ti­nang­kang barilin ng kan­yang alalay na si Gil Ino­cen­cio, si Saad subalit gina­wang human shield ang mag-ina.

Ayon sa pulisya, si Re­nato Umali ay sinasabing jue­teng operator habang si Saad naman ay naging ala­lay ng una at ngayon ay tuma­tayong bodyguard ng isang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City at kasalukuyang naka­tira sa Cogeo Gate II ng na­banggit na lungsod. Kaagad naman naisa­kay ang mag-ina sa pulang van matapos na kaladkarin ng dalawa pang armadong kalalakihan.

Inaalam pa ng mga awto­ridad ang motibo ni Saad kaugnay sa tangkang pag­pa­tay at pagdukot sa mag-inang Umali.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MA

BEACH RESORT

CAMARINES NORTE

CHACHA UMALI

COGEO GATE

RENATO

SAAD

SHY

UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with