^

Probinsiya

Jeepney hulog sa tulay: 3 patay, 6 grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang anim iba pa ang malubhang nasu­gatan matapos mahulog sa tulay ang isang  jeepney sa bayan ng Alimodian, Iloilo kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi na sinasabing nakisakay lang ay sina Jerry Aguaras ng J. Toga St., Alimodian; Francisco Jamilogo ng Brgy. Kinaspan at si Lovi­sillo Casorla ng Brgy. Bina­lod.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, naganap ang aksidente sa bisinidad ng Freedom High­way Street, sa Barangay Poblacion kung saan anim na sibilyan ang grabeng nasugatan at naisugod sa Aleosan District Hospital at Western Visayas Medical Center.

Napag-alamang patu­ngo sana sa Iloilo City ang sasakyan ng mga biktima na may kargang tone-to­neladang saging nang ma­hulog mula sa tulay.

Ilang pasahero ang nagsabing overloaded ang jeepney kaya nawalan ito ng kontrol at bumulusok pagdating sa nabanggit sa tulay.


vuukle comment

ALEOSAN DISTRICT HOSPITAL

ALIMODIAN

BARANGAY POBLACION

BRGY

CAMP CRAME

FRANCISCO JAMILOGO

FREEDOM HIGH

ILOILO CITY

JERRY AGUARAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with