^

Probinsiya

2 suspek sa pagpatay sa mag-asawa sumuko

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Sumuko kahapon sa pu­lisya ang mag-utol na lalaki na sinasabing bumaril at nakapatay sa mag-asawa noong Lunes sa bisinidad ng Brgy. New Panay, Tulu­nan, North Cotabato.

Sumasailalim na sa im­bestigasyon ang mga sus­pek na sina Rene at Sonny Saragoza kung saan ilang oras matapos mapatay ang mag-asawang Virgilio at Judith Biton.

Sa inisyal na report, sinasabing paghihiganti ang isa sa motibo ng pag­patay sa mag-asawang Briton.

Napag-alamang si Vir­gilio Biton ay sinasabing hired killer at itinuturong utak sa robbery/hold-up noong Linggo sa Brgy. Bagong Tapay, sa bayan ng M’lang, North Cotabato.  

Isa sa mga biktima ng holdapan noong Linggo ay si Percy Sagaroza-Pal­mares na sinasabing utol nina Rene at Sonny Sara­goza.

Noong gabi ng Lunes, nagpang-abot sa bahay ni Danilo “Ketching” Pedrosa sa Brgy. New Panay, ang mag-asawang Biton at mag-utol na Saragoza hanggang sa magkapalitan ng putok ng baril.  

Nang mahawi ang usok, bumulagta ang mag-asa­wang Biton. Sugatan na­man sa paa si Rene na isang miyembro ng Cafgu.

Agad na sumuko ang mag-utol na Saragoza sa pulisya ilang oras matapos mapatay ang mag-asawa. Malu Manar

vuukle comment

BAGONG TAPAY

BITON

BRGY

JUDITH BITON

LINGGO

MAG

NEW PANAY

NORTH COTABATO

RENE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with