^

Probinsiya

Richard sugatan sa car crash, alalay todas

-

CAVITE, Philippines – Sugatan ang matinee idol na si Richard Gutierrez habang na­sawi ang isa sa kanyang mga alalay nang mabangga ang kanyang kotse sa Silang, Cavite kahapon ng mada­ling araw.

Ayon kay Silang Police Chief Superintendent Da­nilo Buentipo, lulan si Gu­tierrez, 25, at mga alalay na sina sina Nomar Pardo at George Mascora, sa isang Nissan Skyline GTR sports car at binabagtas ang ka­habaan ng Sta. Rosa-Ta­gaytay road sa Barangay Puting Kahoy nang sumal­pok ang kotse sa isang poste ng kuryente bandang ala-1:20 ng madaling-araw.

Batay sa ulat, namatay habang ginagamot sa Adve­ntist University of the Philippines Hospital si Pardo dahil sa malubhang sugat sa ulo at katawan saman­talang is­inugod na­man sina Gutierrez at Mas­cora sa Ospital ng Tagay­tay para sa minor injuries. Inilipat din ang dalawa sa Asian Hospital sa Munti­n­lupa ilang oras makalipas ma­lapatan ng first aid sa Tagaytay.

Sa pinakahuling ulat, inoperahan ang aktor dahil sa pinsala sa kan­yang mata bagaman kinum­pirmang nasa maayos na kalagayan na ito.

Ayon kay Calabarzon Police director, si Gutierrez ang nagmamaneho sa kotse nang mawalan ito ng kontrol sa isang pakur­badang ba­hagi ng lugar hanggang su­malpok ito sa poste ng kur­yente.

Sa lakas ng pagkaka­sal­pok, naputol ang poste ng kuryente kung saan malalim ang lugar na bi­nagsakan ng sasakyan sa isang bangin na sumalpok pa sa isang puno ng niyog.

Pauwi na ang aktor sa ka­nilang taha­nan galing sa shooting ng ka­niyang pe­likula at naka-convoy pa ang mga kasamang artista nang mang­yari ang sa­kuna.

Dahil sa madilim at ma­kurbada ang lugar, na­walan ng kontrol sa ma­nibela ang aktor nang umiwas sa na­kasalubong na jeep at nabangga.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL

AYON

BARANGAY PUTING KAHOY

CALABARZON POLICE

GEORGE MASCORA

NISSAN SKYLINE

NOMAR PARDO

RICHARD GUTIERREZ

SHY

SILANG POLICE CHIEF SUPERINTENDENT DA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with