^

Probinsiya

MILF hugas-kamay sa Mindanao bombing

-

Naghugas-kamay kahapon ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay ng serye ng pam­bobomba sa Min­danao.

Sinabi ni MILF Civil Military Affairs Chief Eid Kabalu na ‘unfair ‘ umano ito dahil sa tuwing may mangyayaring pambo­bomba sa Mindanao Region ay palaging ang ka­nilang grupo ang itinu­turong salarin ng security forces.

Ayon kay Kabalu, mas makabubuting tapusin muna ng PNP at AFP ang kanilang imbestigasyon bago ng mga ito tukuyin ang responsable sa insi­dente.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng mga awtori­dad, may signature ng pasaway na mga rogue Commanders ng MILF ang narekober na bomba na ginamit sa serye ng pagpapasabog.

Sinabi naman ni MILF negotiating panel Chief Mohagher Iqbal na sa tuwing may sasabog na bomba o granada sa Min­danao ay tila Standard Operating Procedure (SOP) na ng AFP at PNP na ituro ang kanilang grupo.

Binigyang diin ng da­la­wang opisyal ng MILF na wala silang kina­laman sa mga pambo­bomba.

Ayon sa mga ito, un­islamic ang pambobomba at labag ito sa Islam, ang relihiyon ng mga Muslim.

Nitong Disyembre 31 ay niyanig ng pagsabog ang Oval Plaza ng Gene­ral Santos City na ikina­sugat ng 26 katao kabi­lang ang dalawang pulis.

Samantala nagkaroon rin ng pagsabog ng bomba sa Iligan City, Lanao del Norte noong Disyembre 18 o ilang araw bago mag-Pasko na ikinasawi ng tatlo katao habang 47 pa ang nasu­gatan. (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

CHIEF MOHAGHER IQBAL

CIVIL MILITARY AFFAIRS CHIEF EID KABALU

ILIGAN CITY

JOY CANTOS

MINDANAO REGION

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NITONG DISYEMBRE

OVAL PLAZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with