^

Probinsiya

Estudyante hulog sa gusali, utas

-

Luksang Bagong Taon ang sumalubong sa pa­milya ng isang 19-anyos na college stu­dent makaraan itong ma­matay dahil na­hulog mula sa bubungan ng gusali sa Iloilo City kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Iloilo Saint Paul’s Hospital ang biktima na kinilalang si Dante Linasero Jr. ng Valeria Street, at 3rd year college stu­dent sa John B. Lacson Colleges Foundation.

Batay sa police report na na­karating sa Camp Crame, bandang alas-4 ng hapon ha­bang naglalaro ang bik­tima kasama ang kaniyang dala­wang kapatid sa bu­bungan ng inuukupahan ni­lang gusali nang mangyari ang insidente.

Napag-alamang naliligo pa sa bubungan ng gusali ang magkakapatid nang bigla na lamang tangayin ng hangin ang T-shirt ng biktima na nakasampay sa bu­bungan.

Bunga nito, tinangka ng biktima na kunin ang kani­yang damit gayon pa man sa kani­yang pagtakbo ay ‘di nito na­malayan na plastic na yero na pala ang kaniyang natun­tungan.

Tuluy-tuloy na bumulu­sok ang biktima na bumag­sak at nabagok pa ang ulo sa se­mento na siya nitong ikina­matay. (Joy Cantos)

vuukle comment

CAMP CRAME

DANTE LINASERO JR.

ILOILO CITY

ILOILO SAINT PAUL

JOHN B

JOY CANTOS

LACSON COLLEGES FOUNDATION

LUKSANG BAGONG TAON

SHY

VALERIA STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with