^

Probinsiya

4 magsasaka niratrat, todas

- Danilo Garcia -

Magkakasunod na kina­rit ni kamatayan ang apat na magsasaka makaraang rat­ ratin ng mga armadong kala­lakihan sa liblib na bahagi ng bayan ng Tineg, Abra, ayon sa ulat kaha­pon.

Kabilang sa mga bikti­mang napaslang ay sina Darwin Enso, 25; Mafinold Ki­keat, 22; Carlos Ayaba, 13; at si Edgar Sagudang, 28, pa­wang magsasaka mula sa Sitio Dangpawan, Barangay Alaoa, Tineg, Abra.

Nasa Abra Provincial Hospital naman ang mga suga­tang sina Maricel Tandi, isang guro; Oliver Blanco, Maricar Blanco at ang dray­ber na si Sonny “Boy” Beng­gay.

Sa naantalang ulat na na­karating kahapon sa Camp Crame, naganap ang pana­nambang dakong alas-3 ng madaling-araw ng Biyernes

Napag-alamang lulan ng  kulay asul na Isuzu pick-up van ang mga bik­tima patungo sa bayan ng Bangued mula sa Ba­rangay Alaoa nang mapa­hinto ang kanilang sa­ sak­yan dahil sa nakaha­rang na malaking tipak ng bato sa kalsada.

Dito na sinamantala ng mga ‘di-pa kilalang arma­dong kalalakihan na pasla­ngin ang mga biktima

Kasalukuyang nagsa­sagawa pa ng imbesti­gasyon ang mga awtoridad kung may kinalaman ang mga rebel­deng New Peo­ple’s Army sa naganap na pananambang.

vuukle comment

ABRA

BARANGAY ALAOA

CARLOS AYABA

DARWIN ENSO

EDGAR SAGUDANG

MAFINOLD KI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with