^

Probinsiya

‘Killer’ ng mag-ama arestado

-

KIDAPAWAN CITY  – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa mga itinuturong suspek na pumaslang sa barangay chairman at anak nito noong Biyernes sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ni P/Senior Supt. Lester Camba, police provincial director, ang suspek na si Ismael Angguto, dating barangay kagawad sa Buluan.

Sa imbestigasyon, bagama’t itinanggi ng suspek ang krimen isinangkot niya ang limang iba pa na karamihan ay mga kamag-anak ng kalaban sa pulitika ni Barangay Buluan Chairman Puto Mantawil.

Matatandaang sakay ng motorsiklo ang mag-ama nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa masukal na bahagi sa hangganan ng Barangay Pedtad sa bayan ng Kabacan at Barangay  Inug-og sa bayan naman ng Pikit sa North Cotabato.

May teorya ang pulisya na awayan sa pulitika na nauwi sa clan feud (rido) nag-ugat ang pamamaslang. (Malu Manar)

vuukle comment

BARANGAY BULUAN CHAIRMAN PUTO MANTAWIL

BARANGAY PEDTAD

ISMAEL ANGGUTO

KABACAN

LESTER CAMBA

MALU MANAR

NORTH COTABATO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with