^

Probinsiya

10 bahay sa Cavite  ni-‘raid’

-

Sinalakay ng pulisya ka­hapon ang may 10 bahay sa Naic, Cavite na pinaghih­ina­laang iniimbakan ng mga di-lisensiyadong baril.

Gayunman, may ibang ulat na sa Tanza naganap uma­­no ang pagsalakay.

Ayon sa isang ulat, kabi­lang sa nagsagawa ng pag­salakay at paghalughog sa mga bahay sa Barangay Sabang sa Naic bandang alas-3:00 ng madaling-araw ang mga tauhan ng mobile group, special operations group at special weapons and tactics ng Calabarzon Police.

Nagkaroon pa ng ten­syon sa lugar nang papu­tukan umano ng magkapatid na Marlon at Cesar Ona ang mga pulis ha­bang papalapit ang mga ito sa kanilang bahay.

Isisilbi sana ng mga pulis ang warrant laban sa isang Marcial Ona nang barilin sila ng dalawa kaya nagpaputok sila ng warning shot.

Sinasabi naman ng mag­kapatid na Ona na inakala nilang mga magna­nakaw ang mga lumalapit na pulis.

Nakumpiska sa magka­patid ang isang improvised shotgun at converted air gun. (Joy Cantos at Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY SABANG

CALABARZON POLICE

CESAR ONA

ED AMOROSO

JOY CANTOS

MARCIAL ONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with