^

Probinsiya

Parak nang-hostage, todas sa kabaro

- Joy Cantos -

Isang tauhan ng pulisya na nang-hostage ng isang paslit ang nabaril at na­patay ng kanyang kabaro sa mis­mong bis­peras ng Pasko kamaka­lawa sa Cebu City. 

Binawian ng buhay ha­bang  nilalapatan ng lunas sa Miller Hospital sa Cebu City ang hostage taker na pulis na kinilalang si PO1 Calvin Dinampo, aktibong kasapi ng Talisay City Police.

Si Dinampo ay nagtamo ng limang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kan­yang katawan na naging sanhi ng kanyang kama­tayan.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa na­ sabi ring pagamutan ang ba­tang hinostage nito na si Ni­cole Abet na nagtamo ng sugat sa kamay.

 Batay sa ulat ng Cebu City Police, bandang alas- 8 ng gabi ng maganap  ang insidente matapos na mag­wala si Dinampo at pinag­sisigawan ang grupo ng mga vendors na nagbe­benta ng paputok sa Cebu City.

 Nagwawala umano si Dinampo hanggang sa maki­pagtalo ito sa nag­respon­deng si PO1 Mark Manlosa na humantong sa pangho-hostage ng una sa isang ba­tang babaeng anak ng vendor sa lugar.

Gayunman, habang nag­sisigaw si Dinampo ay naga­wang makatakbo ng hostage at nang akmang susugod ito ay pinagbabaril ni Manlosa.

Isinasailalim pa sa ma­susing imbestigasyon ng mga awtoridad ang ka­song ito.

vuukle comment

CALVIN DINAMPO

CEBU

CEBU CITY POLICE

DINAMPO

MARK MANLOSA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with