^

Publisher natagpuang isa nang bangkay

() - December 8, 2007 - 12:00am

DARAGA, Albay – Isang publisher ng isang lokal na diyaryo sa Masbate ang natagpuang isa nang malamig na bangkay matapos na ito ay ma­kitulog lamang sa printing press na nagli­limbag ng kanyang pahayagan sa Doña Maria Subd, Barangay Tagas, Daraga.

Nakilala ang biktima na si Gerry Ortega, 39,  may asawa, publisher ng Masbate Sun Star at residente ng Barangay Tigbao, Aroroy, Masbate.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-5:00 ng umaga sa loob ng printing press na pag-aari ng isang nakilalang Enrico Gonzales.

Napag-alaman na ang biktima ay dinala ang kanyang pinagagawang diyario dakong alas 11:00 ng gabi. Dahil sa lakas ng ulan sa labas at wala nang masakyan, nakitulog na lamang siya roon. (Ed Casulla)

ALBAY AROROY BARANGAY TAGAS BARANGAY TIGBAO ED CASULLA ENRICO GONZALES GERRY ORTEGA MARIA SUBD MASBATE MASBATE SUN STAR
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with