^

Probinsiya

Expedition team na-trap sa kuweba

-

CAMP CRAME - Isang dok­tor ang kumpirmadong nasawi habang lima pa ang nailigtas kabilang ang isang Kano matapos ma-trap sa kuweba ng 20-oras sa Ba­rangay Gaas, Balamban, Cebu noong Biyernes ng umaga. Sa ulat, dakong alas -9 ng umaga pa noong Biyernes nang pumasok sa loob ng makipot na walang lagusang yungib ang expedition team para sana sa 3-araw na mapping at exploration. Ayon sa ulat, si Dr. Adolf Espina ang iniulat na nasawi matapos na masira ang kagamitan nito nang pumasok sa nasabing yungib na halos walang hanging pumapasok. Si Espina, 36-anyos, isang ophthalmologist, isa sa mga trainor ng grupo at kilala sa expedition sa mga yungib sa loob ng may sampung taon ay nakabitiw sa lubid at nahulog sa may 56 metro sa ilalim ng kuweba. Ang bangkay ni Dr. Espina ay natagpuan ng search and rescue team da­kong alas-6 ng umaga kaha­pon. Kabilang naman sa mga nailigtas ng search and rescue team na pumasok sa kuweba dakong alas-11 ng gabi ay si Charles Sestersen na na­ilabas bago mag-alas-7 ng umaga pagkaraang ma-trap sa yungib. Sa pahayag ni Merks Certifico, isa sa 6-man exploring team, pumasok sila sa kuweba upang mabatid kung ito ang pinakamalalim na kuweba sa bansa. Sa isang radio interview, sinabi ni Balamban  Mayor Alex Bing­hay, pinasok ng expedition team ang naturang ku­weba upang malampasan ang world record na nakuha ng isa ring team sa yungib ng Sagada na may lalim na 150 metro. Joy Cantos

vuukle comment

BALAMBAN

BIYERNES

CHARLES SESTERSEN

DR. ADOLF ESPINA

DR. ESPINA

JOY CANTOS

MAYOR ALEX BING

MERKS CERTIFICO

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with