^

Probinsiya

Nakipagkalas sa syota kinatay

-

CAMP CRAME    Pinaniniwalaang pakikipagkalas ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa ma­patay ang isang 16-anyos na babae ng kanyang syota sa Barangay Talospatang sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan kamakalawa. Ang biktimang natagpuan sa loob ng palikuran na tadtad ng saksak sa katawan ay nakilalang si Sheryl Ballesteros, 3rd year high school student habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Allan Poquiz, 27, ng Barangay Pogo, Malasiqui. Sa ulat ng PRO1 na nakarating sa Camp Crame, inimbitahan ni Poquiz, ang biktima sa binabantayan nitong bahay sa nabanggit na barangay para komprontahin sa isyung pakikipagkalas. May teorya ang pulisya na tumanggi ang suspek sa plano ng biktima kaya isinagawa ang pamamaslang.Samantala, nag-suicide naman ang isang 38-anyos na mister na si Dante Borrac ng Brgy. Nagrebcan, Bauang, La Union matapos na maki­paghiwalay at sumama sa ibang lalaki ang kanyang misis. Ayon sa imbestigasyon, uminom muna ng lason si Borrac bago ibinitin nito ang sarili sa sanga ng punong  mangga kung saan natagpuan siya ng mga kapitbahay. - Danilo Garcia

vuukle comment

ALLAN POQUIZ

BARANGAY POGO

BARANGAY TALOSPATANG

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DANTE BORRAC

LA UNION

MALASIQUI

SHERYL BALLESTEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with