^

Probinsiya

3 mag-uutol nalunod

-

PAMPANGA — Tatlong batang mag-uutol ang iniulat na nasawi makaraang malunod sa swimming pool sa Barangay San Pablo, Mexico, Pampanga kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga namatay ay sina Giorgio, 9; Kenzo, 7 at si Flitz Gabriel Mallari, 6, pawang residente ng Sitio Talipapa, Barangay Pasig sa bayan ng Candaba. Sa ulat ng pulisya, pasado alas-10 kama­­kalawa ng gabi nang matagpuang lumulutang ang mga biktima sa swimming pool sa Amber Kingdom Water Park. Isi­­nisisi ng ama ng mga biktima sa kapabayaan ng pamunuan ng nasabing resort ang pagkamatay ng kanyang mga anak na kulang na kulang ang mga ilaw sa resort at wala ring mga lifeguard. Nanindigan naman ang may-ari ng resort na may sapat silang ilaw at signal na nagpapaalala sa mga magulang ng mga bata na kailangan silang bantayan habang naliligo sa swimming pool. May nakatalaga rin anila silang lifeguard na siya pa mismong  nakakita sa mga bata. Patuloy pa ang isi­na­­­sa­ga­wang imbestigasyon ng mga awtoridad. Resty Salvador

P.4M nalimas sa banko

RIZAL — Umaabot sa P.4 milyon ang natangay ng tatlong ‘di-kilalang kalalakihan makaraang pasukin at holdapin ang Rural Bank of Cardona sa kahabaan ng A. Bonifacio Street sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal kamakalawa ng tang­hali. Ayon kay P/Supt. Norberto Solomom, hepe ng Cainta  police, nagpanggap na mga costumer ang tatlo bago isina­gawa ang holdap. Dinisarmahan ang nag-iisang security guard ng banko na si Oscar Calumpang, 40, habang ikinu­long sa loob ng kusina ang mga kawani na sina Joy Reyes, Chris­topher Pena at Octavio Gripal, gayundin ang manager na si Marjorie Pagcu. Napag-alamang nilimas ng mga hol­daper ang nasabing halaga na nasa cashier at hindi nakuha ang pera sa vault dahil sa may time delay lock. Sa salaysay ng mga bik­tima, wala pa sa limang minuto ang gina­wang panloloob. Edwin Balasa

vuukle comment

BARANGAY PASIG

BARANGAY SAN JUAN

BARANGAY SAN PABLO

BONIFACIO STREET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with