^

Probinsiya

Gapo Mayor Gordon nanguna sa survey

-
OLONGAPO CITY — Patuloy na nangunguna si Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon Jr. sa ibang kumakandidato sa pagka-alkalde ng nasabing lungsod sa isinagawang survey ng pribadong kumpanya. Lumabas sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong nakaraang buwan na karamihan pa rin ng mga residente ng Olongapo City ay si Mayor Gordon pa rin ang iboboto sa nalalapit na halalan. Umabot sa 72 porsyento ng mga residente ang pumili sa kasalukuyang alkalde kumpara sa bise alkalde na kakandidatong mayor na si Rolen Paulino na nakakuha lamang ng 25 porsyentong approval rating.

Samantala, tatlong porsyento lamang ng mga tinanong, ang hindi pa nakakapagdesisyon kung sino ang iboboto nila sa pagka-alkalde. Nanguna rin si Gordon kay Zambales Governor Vic Magsaysay, na naunang nagpahayag ng planong lumaban sa pagka-alkalde. Mangunguna pa rin si Gordon kung magiging tatlo silang magkakalaban. Gayon pa man, umabot sa 65 porsyento ng mga tinanong ang boboto kay Gordon.

vuukle comment

GAYON

GORDON

GORDON JR.

MAYOR GORDON

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY MAYOR JAMES

PULSE ASIA

ROLEN PAULINO

ZAMBALES GOVERNOR VIC MAGSAYSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with