^

Probinsiya

Chief tanod itinumba

-
Camp Crame — Tila hinahamon ng mga summary executioner ang batas matapos pagbabarilin hanggang sa matodas ang isang hepe ng mga brgy. tanod sa Calumpit, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Danilo ‘Daniel’ de Leon, 54-anyos, hepe ng brgy. tanod sa Brgy. Sucol, Calumpit ng lalawigang ito.

Sa report ng pulisya, ang biktima ay pinagbabaril ng mga naka-motorsiklong salarin sa highway ng Brgy. Corazon ng bayan ng Calumpit bandang alas-8 ng gabi matapos na matiyempuhan itong lulan ng tricycle. Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw na siyang tumapos sa buhay ng naturang biktima habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Caniogan, Calumpit ng lalawigang ito.

Bago ang pamamaslang sa biktima ay pinagbabaril at napaslang rin ng apat na armado at maskaradong kalalakihan si de Leon PAMALAKAYA leader Orlando Rivera sa Obando, Bulacan noong Martes. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso. (Joy Cantos)

vuukle comment

BRGY

BULACAN

CALUMPIT

CAMP CRAME

CANIOGAN

CORAZON

DANILO

INIIMBESTIGAHAN

JOY CANTOS

ORLANDO RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with