^

Probinsiya

1 pang brodkaster pinabulagta

-
CAMP AGUINALDO – Isa na namang brodkaster ang iniulat na nasawi matapos pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa naganap na pananambang sa kahabaan ng Rizal Avenue, Digos City, Davao del Sur nitong Martes ng hapon.

Dead-on-arrival sa Davao del Sur Provincial Hospital ang biktimang si Armando "Rockman" Pasi, broadcaster ng Radio Ukay, DXDS-AM sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa dibdib at balikat.

Sa inisyal na ulat na tinanggap kahapon ng PNP Chief Director General Oscar Calderon, naganap ang pamamaslang dakong ala-una ng hapon.

Lulan ng traysikel ang biktima nang biglang sundan at pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sakay naman ng motorsiklo.

Ang biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan ng mga sumaklolong bystander, subalit hindi na umabot ng buhay.

Bago ang pamamaslang ay nakatanggap ng mga pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

Sa tala ng National Union of Journalism of the Philippines (NUJP) umabot na sa 70 ang pinatay na mediamen simula noong 1986 sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARMANDO

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

DAVAO

DIGOS CITY

ISA

JOY CANTOS

NATIONAL UNION OF JOURNALISM OF THE PHILIPPINES

RADIO UKAY

RIZAL AVENUE

SUR PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with