^

Probinsiya

9 kalansay sa mass grave ng NPA rebs kinilala

-
MISAMIS ORIENTAL – May posibilidad na ang siyam na kalansay na kasalukuyang kinilala ng tropa ng 8th Infantry Battalion ay mula sa nadiskubreng mass grave ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Lantad, Barangay Kibanban sa bayan ng Balingasag, Misamis Oriental.

Kinilala ni 1st Lt. Edgardo Taloroc, ang mga kalansay na nahukay sa mass grave na sina Sernico Bagongon, Demo Alba, Junior Ademo, Junior Da-ao, Junior Mala, Wilson Sagahay at tatlong nakilala lamang sa alyas Blas, Plas at Nelson.

Naniniwala si Taloroc na inilibing ang mga biktima na dalawa sa isang hukay at kasalukuyang hinahanap pa ang eksaktong lugar ng mass grave kung saan pinaglibingan ng 11 pa na naging biktima ng summary execution ng mga rebelde.

Malaki ang paniniwala ng militar na ang mga kalansay na nahukay sa mass grave ay mga rebeldeng kabilang sa Front Committee 4B, North Central Mindanao regional command sa ilalim ni Vicente Libona na nag-ooperate sa mga bayan ng Balingasag, Lagonglong at Salay hanggang sa Talisayan at Gingoog City. (Mike Baños)

vuukle comment

BALINGASAG

BARANGAY KIBANBAN

DEMO ALBA

EDGARDO TALOROC

FRONT COMMITTEE

GINGOOG CITY

INFANTRY BATTALION

JUNIOR ADEMO

JUNIOR DA

JUNIOR MALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with