^

Probinsiya

Trader kinidnap ng ‘NBI’

-
BATANGAS CITY – Malaking palaisipan sa mga awtoridad ng lungsod na ito sa pagkakadukot sa isang mayamang negosyante ng apat na armadong kalalakihan na nagpakilalang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) habang papalabas sa isang sabungan kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Sr. Supt. Francisco Don Montenegro, Batangas Police Director masusi nilang iniimbestigahan ang umano’y pagdukot ng mga suspek sa negosyanteng si Precioso Macatangay, may-asawa, may-ari ng Macro Lodge. Macsor Hotel at Maphet Wine House at residente ng Barangay Gulod Itaas sa Batangas City.

Ani Montenegro, bandang ala-1:40 ng umaga, papauwi na sana si Macatangay matapos magsabong sa San Pascual Sports Complex nang hampasin siya ng baril ng isa sa apat na suspek sa parking lot ng nasabing sabungan.

Hindi na nagawa pang makasakay sa kanyang maroon Toyota Hi-lux pick-up(VDR-818) ang biktima ng sapilitang isakay siya sa isang Toyota Blue Revo utility vehicle na minamaneho ng mga suspek.

Ayon sa isang saksi, nakita nito na mabilis na rumaragasa ang apat na sasakyan kasama ang sasakyan ni Macatangay papalabas ng sabungan sakop sa boundary ng Brgy. Danglayan sa San Pascual at Sta Rita, Batangas City, patungo sa ‘di pa malamang direksyon. Subalit bandang tanghali ng Linggo, natagpuan ng mga awtoridad ang abandonadong sasakyan ni Macatangay sa isang bahagi ng San Jose, Del Monte, Bulacan.

Narekober ng pulis ang ginamit na lubid na pinantali umano kay Macatangay pero walang bakas ng katawan ng biktima.

Ginamit pa umano ng mga suspek ang credit card ni Macatangay para magkarga ng gasolina sa Shell Gas station na matatagpuan sa loob ng South Luzon Expressway bandang alas-4:45 ng umaga at nag-withdraw ng P9,800 cash sa isang banko sa Congressional Avenue sa Quezon City bandang alas-7:30 ng umaga.

Nilinaw naman ng NBI sa Batangas Police na wala silang operasyon sa nabanggit na lugar at laban sa negosyanteng si Macatangay. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

vuukle comment

ANI MONTENEGRO

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY GULOD ITAAS

BATANGAS CITY

BATANGAS POLICE

BATANGAS POLICE DIRECTOR

CONGRESSIONAL AVENUE

DEL MONTE

MACATANGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with