^

Probinsiya

Obrero dedo sa 2 sikyu

-
— Isang 43-anyos na obrero ang iniulat na nasawi makaraang mabaril ng mga security guard sa naganap na nakawan ng kable ng kuryente sa Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang napatay na si Danilo Gonzales, habang nakatakas naman ang kasamang si Leopoldo Abiles Bareda, 46, na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.

Base sa ulat ni PO3 Joel Malinao, naaktuhan ng mga security guard na sina Edwin Monquito at Rommel Pacot na nagnanakaw ng mga kable ng kuryente sina Gonzales at Bareda sa naturang lugar.

Imbes na sumuko ang dalawa ay pinutukan ng baril ni Gonzales ang dalawang sikyu na papalapit kaya napilitang gumanti ng putok ng shotgun.

Matapos magbarilan ang magkabilang panig ay duguang bumulagta si Gonzales habang tumakas naman si Bareda.

Narekober sa crime scene ang limang metro ng kable ng kuryente na naiwan ni Bareda, habang iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na insidente. (Cristina Timbang)

vuukle comment

BACOOR

BARANGAY MOLINO

BAREDA

CRISTINA TIMBANG

DANILO GONZALES

EDWIN MONQUITO

GONZALES

JOEL MALINAO

LEOPOLDO ABILES BAREDA

ROMMEL PACOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with