^

Probinsiya

Most wanted sa Ilocos Norte, tiklo

-
LAOAG CITY – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang 52-anyos na pugante na may patong sa ulo ng P.140 milyon makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng una sa bahagi ng Barangay 35 sa Tanguid, Laoag City kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Virgilio Macaraeg ng Batac Regional Trial Court, Branch 18, dinakip ang akusadong si Nelson Arimbuyutan Tagatac ng Barangay 13, Batac, Ilocos Norte. Ang pagkakadakip kay Tagatac ay bunsod ng matiyagang follow-up operation ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) ng Region 1 at Ilocos Norte PNP, ayon kay P/Senior Supt. Rolando R. Macusi, hepe ng Regional Public Information Office. (Myds Supnad)
Trader dinakma sa pamemeke
BULACAN – Isang 33-anyos na negosyante na pinaniniwalaang namemeke ng pampublikong dokumento ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng una sa bahagi ng Barangay Capalangan sa bayan ng Apalit, Pampanga kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Rosalie Pagsanghan matapos masakote ng pulisya dakong alas-2:30 ng hapon dahil sa reklamo ng kanyang mga nabiktima na nagsampa ng asunto sa Bulacan Regional Trial Court, Branch 82 at Malolos City RTC para sa tatlong kasong pamemeke ng mga papeles. (Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY CAPALANGAN

BATAC REGIONAL TRIAL COURT

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT

EFREN ALCANTARA

ILOCOS NORTE

JUDGE VIRGILIO MACARAEG

LAOAG CITY

MALOLOS CITY

MYDS SUPNAD

NELSON ARIMBUYUTAN TAGATAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with