^

Probinsiya

Police chief pinatay

-
BATANGAS – Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang hepe ng investigation division ng Batangas City Police Station sa loob ng kanyang owner-type jeep na nakaparada sa kahabaan ng Barangay Road sa Brgy. Gulod, Labac.

Kinilala ni Superintendent Nilo Anzo, Batangas City chief of police, ang biktimang si Inspector Felizardo Panaligan, 47, residente ng Sampaguita Homes, Barangay Gulod Itaas, Batangas City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-6 nang umaga nang ireport ng isang tricycle driver sa himpilan ng pulisya na may natagpuan siyang isang patay na lalaki sakay ng isang owner-type jeep na may plate number DTH-432 sa nabanggit na lugar.

Nang rumesponde ang mga pulis, nakita nila si Panaligan na may tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang ulo mula sa calibre 9-mm pistol at nakarekober ng isang basyo ng bala mula sa nasabing baril.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya hinggil sa motibo sa pagpatay sa naturang opisyal, ang responsable rito at kung ano ang motibo sa krimen. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY GULOD ITAAS

BARANGAY ROAD

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY POLICE STATION

BRGY

INSPECTOR FELIZARDO PANALIGAN

SAMPAGUITA HOMES

SUPERINTENDENT NILO ANZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with