^

Probinsiya

Van vs motorbike: 2 tinedyer todas

-
CAVITE — Maagang kinalawit ni kamatayan ang dalawang tinedyer na lalaki, habang dalawa pa ang kritikal ang kondisyon makaraang masalpok ang motorsiklo ng mga biktima ng Hyundai van sa pakurbadang lansangang sakop ng Barangay Puting Kahoy sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng hapon.

Tumilapon mula sa sinasakyang motorsiklo (UE-4230) ang mga nasawing biktima na sina Mark Benedict Mendoza, 16; at Jhan-Jhan Garcia, 17, kapwa naninirahan sa Mesa Homes sa Barangay Don Jose, Sta. Rosa, Laguna.

Kritikal naman ang kalagayan nina Albert Trinos at Alfie Aquino ng Barangay Malitlit, Sta. Rosa, Laguna, matapos na bumangga ang kanilang motorsiklo sa unahang sasakyan dahil sa pag-iwas sa nasabing sakuna. Naaresto naman ang drayber ng Hyundai van (XEK-134) na si Hirohito Gamo Jr. ng Barangay Pamiga sa bayan ng Agoncillo, Batangas. (Ulat ni Cristina Timbang)

vuukle comment

ALBERT TRINOS

ALFIE AQUINO

BARANGAY DON JOSE

BARANGAY MALITLIT

BARANGAY PAMIGA

BARANGAY PUTING KAHOY

CRISTINA TIMBANG

HIROHITO GAMO JR.

HYUNDAI

JHAN-JHAN GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with