^

Probinsiya

Biyuda tinodas ng 2 katulong

-
BATANGAS – Patay na nang matagpuan ang isang 77-anyos na biyudang retired teacher makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng kanyang dalawang katulong sa M.H. Del Pilar Street sa Barangay Lucky sa bayan ng Lemery, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Crod Maranan, hepe ng PP Lemery ang biktimang si Conchita Hernandez, samantalang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Ailyn Cesar at isang nakilalang Aiza na kapwa katulong ng biktima sa bahay nito.

Lumitaw sa imbestigasyon, na bandang alas-11:40 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng Lemery PNP na natagpuang patay ang biktima sa naturang lugar na tadtad ng saksak sa katawan na pinaniniwalaang pinatay bandang alas-12 ng hatinggabi.

Sa rekord ng pulisya na isang araw bago maganap ang krimen ay nag-file ng reklamo ang biktima laban sa mga suspek na ninakaw umano ang kanyang gintong bracelet na isa sa mga anggulong sinisilip ng pulisya.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ay ang isang bolo na may 60 cm ang haba, isang balisong at steel pipe na posibleng ginamit sa pamamaslang. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

AILYN CESAR

AIZA

ARNELL OZAETA

BARANGAY LUCKY

CONCHITA HERNANDEZ

CROD MARANAN

DEL PILAR STREET

KINILALA

LEMERY

LUMITAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with