Barangay Chairman itinumba
() - May 7, 2005 - 12:00am
CAMP CRAME – Nagbuwis ng buhay ang isang barangay chairman na umaawat lamang sa alitan ng magkalabang angkan makaraang pagbabarilin ng anim na miyembro ng pamilya sa Barangay La Paz sa bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay kamakalawa. Hindi na naisugod sa ospital ang biktimang si Kismar Hari, samantalang tinutugis naman ang mga suspek na sina: Wahab; Utih; Talaga; Makmak; Niknik; Nelson at Daro na may apleyidong Ekong. Sa ulat, inimbitahan ng biktima ang pamilya Ekong para sa isang pagpupulong upang ayusin ang sigalot sa pagkakapaslang ng isa sa kanilang miyembro. Pinangaralan ng biktima ang pamilya Ekong na kalimutan na ang paghihiganti, subalit nagalit ang mga suspek sa tinuran ng biktima hanggang maganap ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

ALICIA BARANGAY LA PAZ DARO EKONG JOY CANTOS KISMAR HARI MAKMAK NAGBUWIS NIKNIK ZAMBOANGA SIBUGAY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with