^

Probinsiya

3 Abu na kidnaper patay sa engkuwentro

-
ZAMBOANGA CITY – Tatlong bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa pagdukot sa tatlong marino ang kumpirmadong napatay sa naganap na bakbakan matapos na salakayin ng mga tauhan ng Naval Task Force 62 ang pinagkukutaan ng mga bandido sa isla ng Tawi-Tawi kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Capt. Feliciano Angue, hepe ng Naval anti-terror unit ng Naval Task Force 62, ang isa sa napatay na bandidong si Ayub Bakil, lider ng kidnap gang, habang ang dalawa nitong malapit na alalay ay kasalukuyang bineberipika pa ang pagkikilanlan.

Hindi naman kasama ng tatlong napatay na bandido ang tatlong bihag na marinong sina: Indonesian skipper Walter Sampel, 53; Toh Chiu Tiong, 48; at Wong Siu Ung, 52, pawang crew ng tugboat M/L Ocean 2.

Ang tatlong marino ay dinukot mula sa naturang tugboat noong Abril 11 sa isla ng Linkian sa hangganan ng Malaysia.

Ayon kay Angue, kinordonan ng mga awtoridad ang safehouse ni Bakil upang malambat ng buhay, subalit nakipagbarilan sa mga tauhan ng Naval Task Force 62.

Sa nakalap na impormasyon mula sa civilian authority, na ang mga kidnaper na Sayyaf ay humihingi ng ransom na P10-milyon, subalit hindi naman kinumpirma ng militar ang ulat.

Kinumpirma naman ni Tawi-Tawi Governor Sadikul Sahali na ang tatlong marino ay bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf at itinatago sa isa sa isla ng naturang lalawigan. (Ulat ni RDP)

vuukle comment

ABRIL

ABU SAYYAF

AYUB BAKIL

FELICIANO ANGUE

L OCEAN

NAVAL TASK FORCE

TAWI-TAWI GOVERNOR SADIKUL SAHALI

TOH CHIU TIONG

WALTER SAMPEL

WONG SIU UNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with