^

Probinsiya

50,000 kilong manok na 'bulok' ibinebenta

-
OLONGAPO CITY – Pinangangambahang unti-unting kumalat sa ilang pamilihan sa bayang ito at karatig pook ang libu-libong nabubulok na mga "chicken leg quarters" na umano’y hinukay muli mula sa landfill at ipinuslit palabas ng Subic Bay Freeport.

Ito ay matapos kumpirmahin sa PSN ng isang impormante na tumangging ipabanggit ang pangalan, na may 50,000 kilong mga "illegal imported frozen chicken leg quarters" at "pork skin" ang naipuslit, matapos itong hukayin ng ilang mga "scavengers" sa Subic Landfill na ngayon ay ibinibenta sa ilang pamilihan sa lungsod hanggang sa Dinalupihan, Bataan.

Nabatid mula sa impormante, na isang nagngangalang Pelayo na umano’y asawa ng isang Forest Ranger na nakatalaga sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang namataang nanguna sa paghuhukay sa mga nabubulok na mga manok at ibinebenta sa pampublikong pamilihan partikular sa "talipapa" ng Barangay New Cabalan, Olongapo City.

Ibinibenta umano ni Pelayo ng P300 bawat kahon at P100 kada kilo ang nahukay na "frozen chicken leg quarters" at "pork skin".

Ibinunyag pa na gamit ang 10-wheeler truck sa pagpuslit ng mga manok at tinatabunan ng lupa upang hindi masuring mabuti ng mga tauhan ng Law Enforcement Department (LED) ng SBMA na nagbabantay sa mga entry at exit gate ng naturang Freeport.

Sa kasalukuyan ay may ilang serye ng nai-ulat sa mga pampublikong pamilihan na may ibinebentang mga nabubulok na mga parte ng manok.

Napag-alaman pa, na may 110,000 kabuuang kilo ng illegal imported frozen chicken at pork skin ang ibinaon sa Subic Landfill kaharap ang mga representante mula sa Department of Agriculture (DA); Commission on Audit (CoA); Bureau of Animal Industry (BAI) at Bureau of Customs (BoC) noong nakaraang Sabado, Hunyo 12, 2004.

Ang naturang pagbaon sa mga "condemned meat products" ay matapos na mag-umpisa ng mag-decomposed kasabay ng pagkakaroon ng mabahong amoy sa loob ng isang warehouse ng Subic Freeport dahil umano sa pagkasira ng freezer nito.

Nabatid na ang frozen chicken leg quarters ay inimport mula sa US samantalang ang pork skin naman ay nagmula sa bansang Korea kapwa lulan sa dalawang container vans na dumating dito noon pang nakalipas na taong 2003 na naka-consign sa creation trading, port user at ito ay kinumpiska dahil sa kawalan ng permit at clearance ng Veterinary Quarantine Certificate (VQC) mula sa Department of Agriculture. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

BARANGAY NEW CABALAN

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FOREST RANGER

JEFF TOMBADO

LAW ENFORCEMENT DEPARTMENT

SUBIC LANDFILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with