^

Probinsiya

16-anyos basag ang ulo, 10-anyos sugatan!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Kariton hila  ng kalabaw, dumausdos

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Basag ang ulo ng isang 16-anyos na binatilyo habang sugatan at patuloy na ginagamot sa hospital ang kaanak na 10-anyos matapos silang tumilapon nang biglang dumausdos ang sinasak­yan nilang kariton na hila ng kalabaw sa Purok-4, Brgy. Maninila ng ba­yang ito kamakalawa ng hapon.

Patay agad matapos tumilapon at pumalo ang ulo sa puno ng niyog ang biktima na si Jaose Sela, grade-10 student habang sugatang isinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital sa Ligao City si Marmi Sela, grade-3 student, pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-5:50 ng hapon magkasama ang mga biktima sakay ng kariton na hila ng kalabaw na nangunguha ng niyog sa kanilang lupain nang aksidenteng dumausdos ang sinasakyan at tumilapon ang dalawa. Tumama ang ulo ni Jaose sa puno ng niyog at agad nasawi dahil sa matinding pagkakabagok. Sugatan naman sa kaliwang paa si Marmi at nagpapaga­ling na sa pagamutan.

vuukle comment

JOSEFINA BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with