^

Probinsiya

Killer ng pulis kulong ng habambuhay

-
DAET, Camarines Norte – Hinatulan ng mababang korte nang parusang habambuhay na pagkabilanggo ang isang 27-anyos na traysikel drayber matapos na mapatunayang nakapatay sa isang kagawad ng pulisya noong Hunyo 1999 sa Barangay Pamorangon ng nasabing bayan.

Sa 14-pahinang desisyon ni Judge Sancho Dames II ng Regional Trial Court Branch 38, pinatawan ng habambuhay si Virgilio Abarca ng Purok 1 Barangay Camambugan na pumatay kay SPO1 Harry Elizes.

Bukod sa habambuhay na hatol ay pinagbabayad din ng korte ng P715,744 bilang danyos perwisyo sa mga naulila ng biktima.

Base sa record ng korte, sinaksak ng akusado ang biktima noong Hunyo 27, 1999 sa harap ng isang club.

Napag-alaman pa sa ulat na binalikan pa ng akusado ang pinangyarihan ng krimen para sunduin ang mga GROs kaya agad naman dinakip sa tulong na rin ng mga nakakilalang testigo. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

BARANGAY CAMAMBUGAN

BARANGAY PAMORANGON

BUKOD

CAMARINES NORTE

FRANCIS ELEVADO

HARRY ELIZES

HINATULAN

HUNYO

JUDGE SANCHO DAMES

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

VIRGILIO ABARCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with