^

Probinsiya

P.7M payroll money ng mga guro naholdap

-
Sariaya, Quezon – Naglahong parang bula ang P.7-M payroll money para sa mga guro ng isang eskuwelahan sa sekondarya matapos itong tangayin ng tatlong armadong lalaki na nangholdap sa sinasakyang service vehicle ng mga kawani ng paaralan sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Lutucan Uno sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Base sa ulat na tinanggap ni P/Supt. Isidore, Macalisang, Chief of Police ng Sariaya, dakong alas-11:20 ng umaga habang lulan ng isang Tamaraw FX na may plakang DPJ -722 sina Blesilda Carlos, 46, cashier at mga kasamahan nitong empleyado ng Lutucan National High School na minamaneho ni Arnold Baldado nang harangin ng mga suspek

Kagagaling lamang umano ng nasabing mga kawani sa Land Bank sa Lucena City kung saan nag-withdraw ang mga ito ng P 750,000.00 para ipansuweldo sa mga guro nang sundan at harangin ng mga armadong holdaper na nakasuot ng bonnet at kulay itim na long sleeves.

Binaril umano ng mga suspek ang gulong ng sasakyan ng mga kawani ng paaralan at kasunod nito ay hinoldap ang mga ito.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa mga suspek. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ARNOLD BALDADO

BINARIL

BLESILDA CARLOS

CHIEF OF POLICE

LAND BANK

LUCENA CITY

LUTUCAN NATIONAL HIGH SCHOOL

LUTUCAN UNO

SARIAYA

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with